RedBlueThoughts

A Blog About Open Democracy and Security Issues Facing the Asia-Pacific Region

&
 
  • Red Room

    Visit me in the Red Room
  • [Valid RSS]

Jul 17 2007

An ode to the Filipino Soldier

Published by RedBlueThoughts at 10:11 pm under Uncategorized Edit This

Ikaw na me armas
ngunit walang medyas
Ikaw na me helmet
pero walang mosquito net
Ikaw na me bala
pero walang pera
Ikaw na me balisong
pero walang bubong

Laging nasa likod mo si Kamatayan
Laging naka amba sa’yo ang sakuna
Ikaw na prumuprotekta sa mahirap
pero walang sariling lingap.

Ikaw na sumasaludo
kahit superior mo ay sira-ulo
Ikaw na sumusuong sa gulo
kahit na alam mong delikado
Ikaw na “yes sir, yes sir”
kahit alam mong si General ay
“yes mam, yes mam”
Ikaw na “yes mam, yes mam”
kahit alam mong
“hello garci, okey na”

Laging ikaw ang tanggulan
kahit na sariling pamilya mo
ay walang masilungan.
Pagka kinuha ka pa ni kamatayan
pahirap pa ang bayad sa libingan.

Sa mga namatay na Marines sa Basilan
Sa mga nalagas pa sa Patikul Sulu
Sa mga nangamatay sa Kanluran
Sa mga napugutan sa Silangan.
Pagpupugay sa kabayanihang
walang kapantay.

Sa mga buhay na Marines sa Mindanao
Sa mga Army na nakikigyera sa Luzon
Sa mga stranded pa sa iba-ibang panahon
Ngayon na ang pagkakaisa.
Ngayon na ang pag-asa.

Ipanday ang Bagong Pilipinas!
Yakapin ang Bagong Umaga!
Tayo na ang humawak sa bayan
at siguraduhin ang kinabukasan.

Share and Enjoy:
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
Possibly-related Articles:                                        (auto-generated)

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.
Not A Member? Register for Free!

Some Today.com contributors may have received a fee or a promotional product or service from a manufacturer for promotional consideration, while others receive no consideration at all. Each contributor is responsible for disclosing any such promotional consideration.