RedBlueThoughts

A Blog About Open Democracy and Security Issues Facing the Asia-Pacific Region

&
 
  • Red Room

    Visit me in the Red Room
  • [Valid RSS]

Feb 04 2007

Nang Mangasiwa si Sir

Published by RedBlueThoughts at 2:43 am under Uncategorized Edit This

Sadyang marunong ang AMA. Sa araw na hindi inaasahan, nagkaroon ako ng pagkakataong masaksihan ang isang magandang pangyayari.

Dakong alas 2 ng hapon nang abisuhan ako ng isa sa aking kapatid sa pananampalataya. Kailangan daw akong pumunta sa pagsamba sa Central upang masaksihan ang pangangasiwa ni Sir. Bagamat nagshoshopping ako, sinabi ko na sige pupunta ako. Nang magsabi akong pupunta, kagyat kong nakalimutan na mayroon pala akong dalawang natanguang appointments ng araw na yaon. Una, sa aking fraternity brother para ayusin ang mga dokumento sa aming partylist. At ikalwa, sa isang blind date. Nakapagtatakang nakalimutan kong lahat ng yaon at inisip na lamang na papaanong makakarating ng malumanay sa dakong sambahan.

Halos 4:30 na ng hapon nang ako’y umalis patungong Quezon City. Sumakay ako ng taxi. Noong una, tinanggihan pa ako ng isang taxi driver dahil daw sa malayo ang Quezon City. Sa kabutihang palad, mayroon siyang kasabay sa likuran na taxi. Pumayag naman ang matanda na isakay ako, dangan nga lamang at kailangan kong magdagdag ng 50 pesos dahil trapik daw sa EDSA. Sinabi ko sa matanda na pumupunta ako ng Quezon City ng sabado at maluwag naman ang daraanan.

At gayon nga ang nangyari. Maluwag nga ang EDSA at tuloy tuloy kaming nakarating ng central. Nang makarating na ako, which is about half an hour bago ang 6:45 pm na pagsamba, nakita ko na lamang na sarado na pala ang kapilya at nagbibigay na ang texto si Sir. Tunay akong namangha sa ipinapakitang kasiglahan ng mga sumasamba habang nagsasalita si Sir.

Maganda ang kanyang sinasabi. “Kailangang patuloy kayong manalangin”, sabi ni Sir habang nasasa rapturous mode ang lahat. “…dahil kapagka tumaghoy kayo sa AMA, diringgin niya kayo”.

Bakit tayo diringgin ng AMA? Dahil ang bawat kaanib ay itinuturing na kasapi ng bayang banal. At kapagka nanalangin tayo, Siya, na Dios ng Bayang Banal, ay diringgin tayo.

Bakit kailangang manalangin? Upang maipagsanggalang tayo sa paninila ng demonyo. Ang panalangin na may lakip na pagsunod ang mag-aakay sa atin sa kaligtasan. Pagsunod saan? Sa mga itinatakda ng pamamahala ayon sa kautusan ng Dios Ama sa atin.

Ako nama’y matamang nakikinig kay Sir, ninanamnam bawat mga salita, bawat kilos at bawat sitas na kanyang sinasalita. Kung naririto lang sana si Liezel at kanyang pamilya, sana’y naunawaan niya ang sinasabi ni Sir at maging daan para mabago ang kanilang pananaw sa akin. Kung mapakinggan lamang nila si sir, sana’y isipin nilang sumunod sa pamamahala at itakda na ang aming kasal.

Hindi ko nawawaan na unti-unting pumapatak ang aking mga luha. Tunay ngang dalisay ang puso ng anak ng sugo. Tunay ngang ang tanging hangad niya sa mga kapatid ay maisama kami sa bayang banal sa takdang araw ng paghuhukom.

Ang panalangin, ika niya, ay isang malakas na shield laban  sa paninila ni Satanas. Kailangan aniyang manalangin ng taimtim at sasagutin ng AMA ang ating mga panalangin kung mananatili tayong tumutupad sa mga patakaran at kautusan ng Dios Ama sa atin.

Hindi ko lamang sinabi pero araw araw akong nananalangin upang masolusyunan na ang problema namin ni Liezel. Minsan o madalas, nawawalan na ako ng pasensya at iniisip ko na talagang mag give up. Pero, kahit na anong gawin ko, hindi ako makabitaw. Na para bagang may nagpipigil sa akin para gawin yaong aking iniisip. Siguro, talagang kami. Pero, kung iisipin, sinabi na sa akin ni Liezel na ayaw niya. Gustuhin ko mang kalasan siya, gusto ko sanang maging maayos na paghihiwalay ang aming gawin para sa hinaharap, hindi ako sisihin sa aming ginawa.

Kaya naman, ang gagawin ko, bibigyan ko pa siya ng kaunting panahon, siguro pagtapos nitong buwan na ito. Kapagka hindi na ginawa yung sinabi niya na kanyang ifafax yung sulat kay Ka Arnel, aariin kong tapos na itong kabanata ng aking buhay at malaya na akong maibabalik sa talaan.

Share and Enjoy:
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
Possibly-related Articles:                                        (auto-generated)

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.
Not A Member? Register for Free!

Some Today.com contributors may have received a fee or a promotional product or service from a manufacturer for promotional consideration, while others receive no consideration at all. Each contributor is responsible for disclosing any such promotional consideration.